Home NATIONWIDE Amihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

Amihan, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Makaaapekto ang northeast monsoon (amihan) sa Northern Luzon at ang easterlies sa Southern Luzon, Visayas, Mindanao, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Apayao, Batanes, at Cagayan kabilang angBabuyan Islands na sasabayan ng ulan dahil sa northeast monsoon.

Inaasahan naman sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, at natitirang parte ng Cagayan Valley ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil din sa northeast monsoon.

Makararanas anf Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay maiging moderate to rough.

Inaasahan naman sa Visayas at Mindanao ang light to moderate wind speed patungong east to northeast direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:04 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:25 p.m.ng hapon. RNT/SA

Previous articleSUSUNOD SA CEBU UKOL SA BIGAS, SINO?
Next articlePinas nakapagtala ng 129 dagdag-kaso ng COVID