Home NATIONWIDE Amihan, easterlies makaaapekto sa ilang bahagi ng Pinas

Amihan, easterlies makaaapekto sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Iiral ang northeast monsoon (amihan) sa Luzon habang magpapaulan ang easterlies sa Visayas at Mindanao ngayong Huwebes, base sa PAGASA.

Inaasahan sa Caraga, Davao Oriental, at Davao de Oro ang maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa easterlies, kung saan nakaamba ang flash floods o landslides sakaling makaranas ng “moderate to at times heavy rains.”

Makararanas naman ang Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Quezon, at Camarines Norte ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Nagbabadya naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa northeast monsoon.

Inaasahan sa natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms, kung saan nakaamba ang flash floods o landslides sakaling tumama ang severe thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern at Central Luzon ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Magkakaroon naman sa Visayas at natitirang bahagi ng Luzon ng moderate to strong wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Iiral sa Mindanao ang light to moderate wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay inaasahang slight to moderate.

Sumikat ang araw ng alas-6 ng umaga at lulubog ng alas-6:07 ng hapon. RNT/SA

Previous articlePANGIL NG BATAS-TRAPIKO, ‘WALANG ARAY’ ANG KAGAT
Next articlePanukalang pagbawi sa SMNI franchise aprub sa Kamara