Home NATIONWIDE Amihan, localized thunderstorms magpapaulan sa bansa

Amihan, localized thunderstorms magpapaulan sa bansa

MANILA, Philippines- Inaasahang magpapaulan ang localized thunderstorms at ang northeast monsoon sa bahagi ng bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Visayas, Mindanao, at Palawan at makararanas ng isolated rain showers othunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon naman, asahan ang “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa northeast monsoon.

Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay moderate to strong patungong northeast to east direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Makararanas sa Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeast to north direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:24 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:56 ng hapon. RNT/SA

Previous articleHOROSCOPE FEBRUARY 4, 2023
Next articleDOH nakapagtala ng 156 bagong COVID cases sa Pinas