Home NATIONWIDE Amihan magdadala ng mahinang pag-ulan sa bansa

Amihan magdadala ng mahinang pag-ulan sa bansa

MANILA, Philippines – Patuloy na iiral ang northeast monsoon o amihan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, Enero 28.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental dahil sa amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil pa rin sa amihan. RNT/JGC

Previous articleKylie, may bago nang labs!
Next articleEx-PRRD dadalo sa prayer rally vs Cha-cha