Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng North, Central Luzon

Amihan magpapaulan sa ilang bahagi ng North, Central Luzon

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Northeast Monsoon (Amihan) sa ilang bahagi ng Northern at Central Luzon ngayong Miyerkules, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Aurora, Quezon, at Camarines Norte na sasabayan ng ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Gayundin, magiging maulap sa Cordillera Administrative Region na may  mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.

Inaasahan sa Metro Manila, Ilocos Region, tnatitirang bahagi ng Central Luzon, at natitirang bahagi ng Calabarzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Central at Southern Luzon at Visayas ay “strong” patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging rough.

Makararanas ang natitirang bahagi ng bansa ng “moderate to strong” wind speed patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:25 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:51 ng hapon. RNT/SA

Previous articleKASAYSAYAN NG “BULING-BULING FESTIVAL” SA PANDACAN
Next articleMINASAMANG PAGBATI NI PBBM