MANILA, Philippines- Magdudulot ang northeast monsoon o amihan ng maulap na kalangitan at bahagyang pag-ulan sa Luzon at Visayas ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.
Makararanas sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, at Visayas ng “partly cloudy to cloudy skies with light rains” dahil sa northeast monsoon.
Sa Mindanao naman, magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa localized thunderstorms.
Ang wind speed forecast para sa Luzon at Visayas ay moderate to strong patungong northeastward habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.
Makararanas ang Mindanao ng light to moderate wind speed patungong northeast to north na may slight to moderate coastal waters.
Sumikat ang araw kaninang alas-6:24 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:56 ng hapon. RNT/SA