Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa N. Luzon

Amihan magpapaulan sa N. Luzon

MANILA, Philippines – Magpapaulana ang Northeast Monsoon (Amihan) sa ilang bahagi ng Northern Luzon sa Martes, iniulat ng PAGASA.

Ang Cagayan Valley ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon na may mga pagbaha o pagguho ng lupa na posibleng mangyari dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Cordillera Administrative Region, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Ang Metro Manila, Rehiyon ng Ilocos, Gitnang Luzon, at nalalabing bahagi ng Calabarzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahihinang pag-ulan dulot din ng Northeast Monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa mga localized na thunderstorm na may posibilidad na magkaroon ng flash flood o landslide sa panahon ng matinding pagkulog.

Sumikat ang araw bandang 6:25 a.m., habang lulubog ito ng 5:50 p.m. RNT

Previous articlePAGBISITA NI KHAN
Next article2 SUPER HEALTH CENTERS RISING IN NORTH CALOOCAN