Home NATIONWIDE Amihan magpapaulan sa Northern Luzon

Amihan magpapaulan sa Northern Luzon

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan ang northeast monsoon o amihan sa Northern Luzon ngayong Huwebes, Disyembre 7.

Ayon sa PAGASA, ang Batanes, Cagayan, at Apayao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may isolated light rains o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleLotto Draw Result as of | December 6, 2023
Next article4 kumpirmadong kaso ng walking pneumonia, naitala! – DOH