Home NATIONWIDE Amihan tatagal ‘gang gitnang-Pebrero

Amihan tatagal ‘gang gitnang-Pebrero

MANILA, Philippines — Ang malamig na panahon na dala ng hanging northeast monsoon (amihan) ay posibleng manatili hanggang kalagitnaan ng Pebrero, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Ang pahayag ng PAGASA ay kasabay ng pagkakatala ng  pinakamababang temperatura para sa mga panahon sa ngayon, sa 9.7 degrees Celsius sa La Trinidad, Benguet.

“Approaching na po tayo ng February. Posible pa rin tayong makapag-record ng mababa, even daytime temperature,” ani Chris Perez, hepe ng Marine Meteorological Services Section ng PAGASA.

Samantala, ang mga eksperto sa kalusugan, ay nagpapaalala sa publiko lalo na sa mga matatanda at mga may cormobidity na mag-ingat dahil mas malamang ang mga sakit na mala-trangkaso sa panahon ng malamig na panahon.

Sinabi ng espesyalista sa medisina ng pamilya na si Dr. Ferdinand De Guzman na ang ubo at sipon, kung hindi mapapamahalaan, ay maaaring magdulot ng mas malalang impeksiyon. RNT

Previous articleMga gustong bawiin pirma sa PI pumunta sa Comelec office – Garcia
Next articlePanukalang pagbabalik sa June-March na pasukan aprub sa House panel