Home IN PHOTOS Ammonia tumagas sa ice plant sa QC

Ammonia tumagas sa ice plant sa QC

(Kuha ni Danny Querubin)

MANILA, Philippines – Nagsilikasan ang mga empleyado sa isang planta ng yelo sa Roosevelt Avenue, Barangay San Antonio, Quezon City matapos na tumagas ang ammonia doon nitong Huwebes, Disyembre 28.

Base sa ulat ng Quezon City Fire District (QCFD) na nagtalaga sila ng mga tauhan sa lugar upang suriin ang sitwasyon at ang sanhi ng pagtagas matapos makatanggap ng ulat alas-11:07 ng umaga.

(Kuha ni Danny Querubin)

Sinabi ng QCFD na lahat ng mga manggagawa sa planta ng yelo ay agad na inilikas upang maiwasan ang mga ito na malanghap ang mga kemikal. Walang naiulat na naospital dahil sa insidente.

Ang mga indibidwal na nagtatrabaho sa mga kalapit na establisyimento ay inilikas din sa kanilang mga pinagtatrabahuan para sa kanilang kaligtasan.

Pumasok sa gusali ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nakasuot ng hazmat suit (hazardous materials suits) para hanapin ang pinanggalingan ng pagtagas ng ammonia.

Sinabi ng QCFD na inaalam pa nila kung saan nanggagaling ang pagtagas ng ammonia. Santi Celario

Previous articleNasunugan sa Tondo, pinamaskuhan ni Bong Go
Next articleRollback sa presyo ng diesel, kerosene bubungad sa Bagong Taon