Home NATIONWIDE Amnesty sa sumukong rebelde, pinapa-aprub sa Senado

Amnesty sa sumukong rebelde, pinapa-aprub sa Senado

MANILA, Philippines – Hiniling ng isang mambabatas sa Senado na aprubahan ang ibinigay na amnestiya ng gobyerno sa ilang rebelde na sumuko sa pamahalaan alinsunod sa itinakda ng 1987 Constitution.

Bilang chairman ng Senate committee on national defense and security, peace, unification and reconciliation, inirekomenda ni Senador Jinggoy Estrada sa Senado na aprubahan ang Proclamation Nos. 403, 404 405, at 406 na nilagdaang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong Nobyembre 22, 2023.

Nakatakda sa proklamasyon ang pagbibigay ng amnestiya sa ilang miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), Moro Islamic Liberation Front (MILF), at ang Moro National Liberation Front (MNLF) na lumabag sa krimen na pinarurusahan sa ilalim ng Revised Penal Code (RPC) at special penal laws.

Aniya, hindi matatawarang opurtunidad ang paghahandog ng amnesstiya sa ating mga kapatid na baguhin ang kanilang buhay at makakaha ng serbisyo sa pamahalaan at muling mamuhay ng normal.

“For its part, the defense establishment throws its full support to the Congressional concurrence to these amnesty proclamations as these are testaments to the commitment of the current administration to sustaining the gains in our internal security and stability,” ayon sa senador sa plenaryo.

Naunang nabigyan ng amnestiya ang 2,000 MNLF; 1,200 RPMP-RPA-ABB; 400 MILF; and 270 CPP-NPA-NDF miyembro na inasahang mabibinepisyuhan ng pagpapatibay ng senador sa naturang proklamasyon.

“Dahil sa mga magagandang maidudulot nito, masasabi nating amnesty is the best policy,” aniya.

Kinikilala ang proklamasyon ng National Security Commission bilang “significant steps towards national healing and peacebuilding.”

Nakatakda sa proklamasyon na mabibigay ng amnestiya ang sinumang nakasuhan sa ilalim ng RA 9372 or the Human Security Act of 2007, o ang RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020.

Hindi sakop ng amnestiya sa ilalim ng proklamasyon ang krimen na kidnap for ransom, massacre, rape, terrorism, crimes committed against chastity as defined in the RPC, as amended, crimes committed for personal ends, violation of RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, grave violations of the Geneva Convention of 1949, and those identified by the United Nations as crimes that can never be the subject of amnesty such as genocide, crimes against humanity, war crimes, torture, enforced disappearances, at iba apng gross violations of human rights.

Nakatakda sa Section 19, Article VII ng 1987 Constitution na may kapangyarihan ang president na magbigay ng amnestiya sa rebelde kapag pinagtibay ng mayorya ng miyembro ng Kongreso. Ernie Reyes

Previous articleChairman Clarin todo ang suporta sa laban ni Ancajas kontra Inoue
Next articleFree Professional Exam bill gumulong na sa Kamara