Home METRO Amo tinangkang sagipin ang aso, sapul ng tren!

Amo tinangkang sagipin ang aso, sapul ng tren!

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang 30-anyos na babae sa Barangay Concepcion Pequeña, Naga City, Camarines Sur matapos sagipin ang alagang aso mula sa paparating na tren nitong Lunes.

Nahila ng babae ang alaga mula sa riles, subalit nahagip ng tren. Dahil dito, tumalsik siya sa kanyang ina na nasa malapit lamang.

Subalit, mapalad pa rin siya na minor injuries lamang ang tinamo niya. Agad siyang dinala sa ospital kasama ang kanyang ina.

“Pigsi-save niya na magbalyo duman itong saiyang ido so nahagop siya, by the way sideswipe lang naman, si kusog kan dalagan kang train na ini kang nahagop siya. Nahagop siya, paglitong niya tuminama siya duman sa ina niya,” pahayag ni PMAJ. Juvy Llunar, Station Commander ng NCPO Station 2.

Nagbigay naman ng tulong ang Philippine National Railway (PNR) sa mag-ina.

“Pag [dara ta] kan biktima duman sa BMC [Bicol Medical Center] so nagduman man ang management kan PNR… matabang man gayod sinda, matao man sindang asistensiya duman sa mga na-injure kaitong mga biktima,” dagdag ni Llunar.

Pinaalalahanan ng pamunuan ng PNR ang mga residenteng naninirahan malapit sa riles na iwasang lumapit dito upang maiwasan ang aksidente.

Anang PNR, kailangang ilipat ang ma istraktura, kabilang ang mga tahanan at iba pang harang malapit sa kanilang right of way, bilang bahagi ng South Long Haul Project. RNT/SA

Previous article‘No permit, no rally’ sa Maynila kasado sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution
Next articleInternationalization ng PH higher education pasisiglahin ng foreign ownership – EDCOMII