Home ENTERTAINMENT Amy, nag-throwback sa paghahanap kay Brix!

Amy, nag-throwback sa paghahanap kay Brix!

Manila, Philippines – Sa isang panayam, naikuwento ng “It’s Showtime” host na si Amy Perez ang kanilang pinagdaanan ng kanyang panganay na anak na si Adi magmula nang maghiwalay sila noon ng ex na si Brix Ferraris, dating bokalista ng bandang South Border.

Aniya, mula raw nang magkanya-kanya sila ng ex ay hindi na ito nagparamdam.

Kahit nga raw sa google ay walang balita ukol dito.

Pagbabahagi pa niya, sa tantiya niya noon ay nasa apat na taong gulang pa lang ang anak nang magkahiwalay sila ng ex na ama ni Adi.

Ayon pa sa aktres at TV host, hindi man niya sinasabi sa anak subalit gumawa raw siya noon ng paraan upang mahanap ang dating asawa para lamang makilala ni Adi.

Gayunpaman, maging si Adi mismo ay tila sumuko na rin sa paghahanap sa ama, ayon kay Amy.

“‘Di man niya directly sinasabi sa akin ‘yun. Pero parang tinuldukan na niya, parang natanggap na niya na hindi na natin siya mahanap. Alam ko kung gaano iyon kasakit for him,” pahayag niya. “Pareho na kaming umabot sa conclusion na hindi natin siya mahanap, kahit google hindi siya mahanap. May mga nakapagsabi lang na nasa Amerika. Di ko na rin inalam kung may pamilya ba siya doon.

“Basta meron na lang nakapagsabi sa akin na ayaw na niyang pag-usapan ‘yung tungkol sa anak niya kay Amy Perez. So okay na ‘yun sa amin,” dugtong niya.

Sa ngayon, happy naman si Amy sa piling ng kanyang asawang si Carlo Castillo kung saan meron siyang dalawang anak. Archie Liao

Previous articleStarkada pinakilala ng Net25
Next articleSundalo patay sa engkwentro sa NPA sa Iloilo