Home NATIONWIDE Amyenda sa EPIRA law ‘di pagbibigay ng emergency powers kay PBBM- Rep...

Amyenda sa EPIRA law ‘di pagbibigay ng emergency powers kay PBBM- Rep Castro

221
0

 

Nanindigan si ACT Teachers Partylist Rep France Castro na ang pag-amyenda ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 (Epira) ay hindi nakatuon sa pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Bongbong Marcos bagkus sa pagtiyak na maibibigay sa publiko ang tamang-serbisyo at atasan ang mga korporasyon na babaan ang singil sa kuryente.

 

“Hindi solusyon ang emergency powers ng Presidente sa problema ng krisis sa kuryente sa bansa,” pahayag ni Castro.

 

“What we need are government-owned power plants that are efficiently operated to off set the profit hungry motives of many private generation companies. We also need the National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) to be owned and controlled by the government so as to prevent intrusions of foreign entities on our power sector. It should also not be made into another reward for the cronies of this administration,” dagdag pa nito.

 

Ang pahayag ay ginawa ni Castro kasunod ng isinagawang pagdinig ng House Committee on Energy kung saan iginiit ng Department of Energy (DOE) ang pagbibigay ng E-power sa Pangulo bilang solusyon sa krisis sa enerhiya.

Advertisement

 

Iminumungkahi ng DOE na magkaroon ng probisyon sa batas na sa oras na magkroon ng mataas na singil sa kuryente o kakapusan ng supply ay magkaroon ng kapangyarihan na magdeklara ng electric power crisis ang Pangulo at kasabay nito ang pagpapatupad ng temporary measures na gagawin ng DOE.

 

Gayunpaman, hindi kumbinsido rito si Castro, aniya, ang problema ay hindi para lamang tugunan ng pansamantala ang nangyayaring brownouts kundi ang tuluyang pagresolba sa ganitong problema.

 

“Hindi uubra na kada na lang magkakaroon ng brownouts o red alert sa power situation sa bansa ay gagamitin ng presidente ang emergency powers niya pero ang resulta lang naman ay mas mataas na singil sa kuryente ng mga consumers,” paliwanag ni Castro.

 

Ang Epira ay naisabatas noong 2001 subalit ilang consumers ang binansagan ito bilang anti-people at pro-corporation dahil sa halip na magresulta ito sa pagbaba ng presyo ng kuryente ay tumaas pa na nagdagdag pahirap sa mga consumers. Gail Mendoza

Previous article1B katao nanganganib sa cholera – UN
Next articleEO sa Mandanas ruling ilalabas sa pagtatapos ng 2023 – PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here