Home NATIONWIDE Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

503
0

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.

Si Katrina ay pangulo at CEO ng JAKA Investments Corporation, at nasa likod ng corned beef brand na Delimondo.

Sa social media post, pinasalamatan naman ni Katrina si Pangulong Marcos sa tiwala nito sa kanya sabay-sabing siya ay “beyond grateful” sa pagkakatalaga sa kanya.

Ang  CEZA  ay nilikha sa bisa ng  Cagayan Special Economic Zone Act of 1995, na awtorisado ng matandang Enrile, noong siya ay senador pa lamang.

Tungkulin ng  government corporation na pangasiwaan ang progreso ng Cagayan Special Economic Zone and Freeport. Kris Jose

Previous article2 tiklo sa higit P2M shabu sa Maynila
Next articlePH El Niño Team bubuo ng water conservation program

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here