Home ENTERTAINMENT Anak ni Iza, na-dengue!

Anak ni Iza, na-dengue!

Manila, Philippines – Kung tutuusin, at one year old ay malakas ang resistensya ng anak ni Iza Calzado.

Iza mothers Deia, named after her character in Encantadia bilang isa sa mga sang’gre.

Imagine, na-dengue pala ang anak nila ni Ben Wintle?

Sinalubong ng pamilya ang Bagong Taon sa Boracay.

That time, may runny nose na ang bata.

The following day ay nagka-fever na ito.

It was until January 3 nang ipasuri nina Ben at Iza ang anak sa pedia nito.

Blood test had to be run on the baby, at doon nga napag-alaman na na-dengue ito.

Kinabukasan, nawala man ang fever nito’y nagsilabasan naman ang mga rashes.

Thankfully, Deia’s white blood cells were going up.

Nu’ng early January rin when Deia was beginning to take a few steps na ikinatuwa naman ng ina.

Minsan nang sinabi ni Iza na sa physical strenth meron si Deia ay lalaki raw itong action star.

Nabinyagan na rin si Deia.

In fact, back to back ang christening nito alongside her first cousin, anak ni Ralph Wintle who’s Bianca King’s betterhalf.

Magkapatid sina Ben at Ralph, which makes Iza and Bianca magbilas.

Base sa mga nakakita kay Deia after magka-dengue, wala raw sa itsura nito ang nagkasakit dahil in high spirits ang bagets.

Such a tough kid! Ronnie Carrasco III

Previous articleJeric at Aljur, nag-bonding!
Next articlePUV modernization uusad pa rin sa kabila ng kilos-protesta – LTFRB