Home ENTERTAINMENT Anak ni Vhong, pasok sa Batang Quiapo!

Anak ni Vhong, pasok sa Batang Quiapo!

Manila, Philippines- Yce Navarro has indeed inherited the acting genes of his parents.

Si Yce ay anak ng TV host-comedian na si Vhong sa dating karelasyong si Bianca Lapus.

At first blush, mapagkakamalang pinagbiyak na bunga ang mag-ama.

Yce is one of the newest cast members of Dreamscape Entertainment’s FPJ’s Batang Quiapo on ABS-CBN.

Sa kanyang Facebook account, todo-pasasalamat si Yce sa break na ipinagkaloob sa kanya ng bida ng BQ na si Coco Martin.

Same with Vhong na nagpasalamat din sa Itaas sa opportunity na ibinigay sa kanyang anak.

Along with Yce ay kabilang din sa mga bagong cast members–themselves also celebrity kids–ay sina Ara, anak nina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco at Renz Fernandez, anak naman nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino.

Pasok din sa BQ among the veteran stars sina Tessie Tomas, Jaime Fabregas, Nonie Buencamino, Dan Alvaro, among others.

They are also joined in by Elijah Canlas.

A proud father that he is of Yce’s achievement, may senyales na maging isang stage parent si Vhong.

Bagama’t parehong landas ang tinahak ng mag-ama, Vhong began his showbiz career bilang isa sa mga miyembro ng 90s all-male dance group na Streetboys.

Acid test para kay Yce ang mapabilang sa BQ if he has what it takes to carve a niche in showbiz.

Samantala, pahinga man ang ina niyang si Bianca sa pag-arte ay focused naman ito sa pagpoprodyus ng mga stage plays.

Aber, makilatis nga si Yce kung may ibubuga sa aktingan! Ronnie Carrasco III

Previous articlePH-US nagsagawa ng joint patrol sa WPS
Next article14 Pinoy repats galing Gaza darating sa Pinas sa Peb. 21