Home METRO Anak sabog sa boga ng ama!

Anak sabog sa boga ng ama!

MABOLO, Cebu- Sabog ang bungo ng isang lalaki nang barilin ng sariling ama matapos ang pagtatalo noong Lunes sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Kenn Pondar Caballes, 28-anyos, habang nadakip naman ang ama nitong si Eugenio Bontilao Caballes, 63, habal-habal driver, kapwa residente ng Lower Laguerta, Barangay Lahug, Cebu.

Batay sa report ng Mabolo Police Station, bandang alas-10:15 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-amang Caballes.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-ama hanggang sa kumuha ng dos por dos ang anak at tangkang ihataw sa ama.

Dahil dito, agad na kinuha ng matandang Caballes ang baril nito at pinaputukan ang anak sa ulo.

Isinugod naman sa ospital ang batang Caballes subalit idineklara na rin itong patay ng umatending doktor.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong parricide. Mary Anne Sapico

Previous articleHigit 2M sea passengers inaasahan ngayong Holy Week
Next article‘Evening’ quake drills, iba pang ‘scenario activities’ sinisilip ng OCD