Home NATIONWIDE Andal Ampatuan Jr. pinarusahan ng 200 taong pagkakulong

Andal Ampatuan Jr. pinarusahan ng 200 taong pagkakulong

MANILA, Philippines – Hinatulang guilty ng Sandiganbayan 6th Division si Datu Andal Ampatuan Jr. kaugnay sa 21 bilang ng kasong graft bunsod ng pagsusuplay ng langis sa Maguindanao provincial government.

Sa decision ng anti graft court, ipinataw kay Ampatuan ang parusang pagkakulong ng mula anim hanggang 10 taon sa bawat bilang ng kasong katiwalian.

Iniutos rin ng Korte kay Ampatuan na bayaran ang Maguindanao ng ₱44.18 million bilang halaga ng hindi naideliver na langis.

Pinagbawalan na rin si Ampatuan na tumakbo sa anumang pampublikong posisyon sa bansa.

Nag-ugat ang kaso nang magsuplay sa Maguindanao provincial government ang gasolinahan sa Shariff Aguak na pag-aari ni Ampatuan ng hindi dumaan sa public bidding.

Naganap ito mula taon 2007 hanggang 2009 nang ang kanyang ama pa ang gobernador. Nakasaad sa desisyun ng Sandiganbayan na nagsabwatan ang mag-ama at iba pwng opisyal upang igawad ang kontrata sa pagbili ng langis sa gasolinahan ni Andal ng hindi idinaan sa bidding at sa kabila ng pagbabayad ng provincial government kay Andal para sa biling langis ay walang naganap na delivery.

Nadiskubre ng Commission on Audit na walang naganap na delivery ng 1,141,539 litro ng Petron Diesel. Teresa Tavares

Previous articleCash aid, bangka ipinamahagi sa 3,000 Navoteños
Next articleMga mananaya bokya sa Superlotto 6/49; jackpot, P170M na