Siargao, Philippines – Bumuhos ang sandamakmak na papuri kay Andi Eigenmann for her display of body positivity on her Instagram account.
Bukod sa mga larawan ay meron pa siyang ipinost na short video clip.
Her no-filter “quick changes” reel has something to do with Sisstrevolution, isang grupo ng mga babaeng surfers whose advocacy is to make sure na malinis ang karagatan.
Public knowledge na second home kundi man tahanan na ni Andi ang Siargao island kung saan kasama niyang naninirahan ang nobyong si Philmar Alipayo at dalawang anak.
Nagtayo na rin ng snack bar at surfing school ang couple doon.
In Andi’s latest post, ibinida niya talaga ang kanyang fit and sexy body in her two-piece bikini.
Itsurang nagmumura ang mga kamot o stretch marks niya sa parte ng tiyan.
Add to that ay ang hindi pantay niyang kulay o skin tone dahil babad nga siya under the scorching heat of the sun.
But mind you, sa halip na itago ni Andi ang kanyang mga kamot ay proud pa niyang ini-awra ito!
Kabilang ang kaibigan niya and herself also a mother na si Jessy Mendiola na nagpaabot ng paghanga sa tapang at paninindigan ni Andi.
Nagsunuran na rin ang ibang mga netizen-mothers who believe that there’s nothing wrong with having stretch marks, that mothers should wear them proudly.
Ayon pa sa ilan, very empowering daw ang pagmamayabang ni Andi ng kanyang mga kamot.
Reminder daw ‘yon ng motherhood journey ng isang ina.
Sey pa ng isa, sa mundo raw na pulos pagkukunwari at pretensyon, magandang malaman ang isang taong nagpapakatotoo who’s not ashamed to embrace her naturalness and imperfections.
Isa lang ang mensaheng gustong itawid ni Andi with her pictures: no to body shaming! Ronnie Carrasco III