Home ENTERTAINMENT Andi, sinita sa throwback pic!

Andi, sinita sa throwback pic!

Manila, Philippines- Kung makapanghusga ang ilang netizen sa kanilang kapwa ay ganoon na lang.

Isang nagdudumilat na katotohanan na lang ay ang dalawang netizens na nagkomento sa ipinost na larawan ni Andi Eigenmann sa Instagram.

Throwback photo nila ‘yon ng inang si Jaclyn Jose.

Sa tantya ng marami, wala pang limang taong gulang ang cute na cute na si Andi.

Bumaha naman ng maraming heart emojis at sending love bilang reaksyon sa mother-and-daughter photo.

No doubt, ramdam pa rin ang labis na pangungulila ni Andy sa pagpanaw ng ina.

Dito na “umeksena” ang mga nagkukunwaring nagmamalasakit kay Andi.

Post ng isa: “I love the picture but unfortunately, your mom won’t be able to see it. Sana ipinost mo ito noong buhay pa siya so that she’d feel loved!”

Isa pang netizen ang “nagmagaling,” quoting the saying na “aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”

May mga nagpaalala naman sa dalawang netizens na hindi nila nadarama ang eksaktong pinagdadaanan ng naulilang anak, so it’s best to keep their comments to thsemselves.

Sa ngayon, balitang nakabalik na sa Siargao si Andi at kinaray pansamantala ang half-brother na si Gwen, na babalik din agad sa US para sa kanyang pag-aaral.

Speaking of the island, ilang beses na ring niyaya ni Andi ang ina doon, na hindi lang pumuwede sa dami ng trabaho ng nasirang aktres sa showbiz. Ronnie Carrasco III

Previous articleCar benefits ng Philrice sa mga empleyado nito, bawal sa batas – SC
Next articleBaron, tumaas ang BP kay Cristine!