Home ENTERTAINMENT Andrè, bet si Andrea!

Andrè, bet si Andrea!

26100
0

Manila, Philippines – Kung hindi uubra si Andrea Brillantes kay Jakob Poturnak na anak ni Ina Raymundo ay may “fallback” siya.

Ito’y sa katauhan ni Andrè Yllana, ang nag-lisang anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana.

Dahil kapwa taga-Viva, hindi imposibleng magsama sina Andrea at Andrè sa mga projects in the future.

Pag-amin ng 24 anyos na binata, “Matagal ko nang crush si Blythe (Andrea’s nickname).”

André is looking forward to working with Andrea: “Mas okey sa akin…mas pabor!”

Asked kung ano ang nais niyang iparating rito, may kapilyuhang sagot ng newbie: “Mag-ingat ka palagi…dahil kung hindi, ako ang mag-ingat sa iyo!”

Dahil bagets pang maituturing, hanggang sa pagsusuot lang daw muna ng skimpy trunks ang kayang gawin ni Andre.

Dahil kasi sa Viva siya under contract, hindi rin malayong mapabilang siya sa mga Vivamax projects.

“Trunks lang muna, saka na ‘yung butt exposure!” aniya.

Of all his dad Jomari’s movies, bet ni Andrè na gawin ang remake ng Guwapings bilang isa sa mga anak ng bida.

Kung matutuloy, kasama rin siyempre si Grae Fernandez na anak ni Mark Anthony at anak ni Eric Fructuoso.

Why not, Mother Lily? Ronnie Carrasco III

Previous articleJanice Jurado, ‘di na pinabalik sa BQ?
Next articleHabagat patuloy na iiral sa South Luzon, Visayas

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here