Manila, Philippines- Minsan na nating narinig ang katagang “pansexual” mula mismo kay Miss Universe Philippines Michelle Dee.
Straight from the horse’s mouth, buong ningning na inamin ng ating kinatawan sa darating na MU sa El Salvador sa November that she is one.
Ang taong maituturing na pansexual ay nakakaramdam ng sexual, romantic o emotional attraction sa kanyang kapwa regardless of sex or gender identity.
Simply put, he or she is neither homosexual nor bisexual kundi pasok sa anumang kasarian.
In that case, puwede bang maituring na pansexual si Andrea Brillantes?
Tulad ng alam ng lahat, nakarelasyon niya ang basketball player na si Ricci Rivero.
After her failed relationship, isa-isa na niyang ibinisto kung sinu-sino ang kanyang mga crush.
Nariyan si Jakob Poturnak na anak ni Ina Raymundo.
Matagal na pala niya itong crush the first time they met at a party.
Bukod dito’y bet din pala ni Andrea si Andres Muhlach, isa sa mga kambal na anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales.
The list also includes a slew of other male celebrities, pero in fairness ay nilinaw naman niya that she’d only like to go out on dates with them.
Not necessarily bet dyowain!
Pansexual ba ‘ika n’yo?
Inamin din ni Andrea na ang gumaganap bilang nanay niya sa teleseryeng Senior High na si Angel Aquino ay matagal na rin pala niyang crush!
Bata pa lang daw siya noon ay attracted na siya sa aktres who can pass for her mom in real life.
Ani Andrea, gandang-ganda raw siya kay Angel.
Bagama’t flattered, halatang asiwa si Angel sa lantarang pag-e-express ni Andrea ng nararamdaman nito.
Ewan kung nagpaparinig lang si Andrea sa mga film producer diyan na alukin siya ng GL (Girl’s Love) project.
Ang likely pair kasi to star in a GL project ay sina Jane de Leon at Janella Salvador na nagkasama na dati sa Darna.
Ang hindi nga lang na-realize ni Andrea, her straightforwardness is getting her into trouble.
Comment nga ng isang netizen, “Aba, hindi lang pala feeling ni Andrea, eh, mauubusan siya ng lalaki…pati rin pala ng kabaro niya!”