Home ENTERTAINMENT Andrea, aminadong tabingi ang mukha!

Andrea, aminadong tabingi ang mukha!

466
0

Manila, Philippines – When she was a kid, Andrea Brillantes was never a Barbie Doll girl.

Instead, she was a self-confessed Bratz Girl.

This girl who, at the age of three, was already fond of making herself up, grew to be a big fan of drag queens.

Nagsimula raw ‘yon at the onset of the pandemic.

Nagkataong na-hook ang aktres sa panonood ng RuPaul’s Drag Queens.

Getting an inspiration from the contestants, ipinatawag daw ni Andrea ang kanyang glam team.

She wanted to achieve the look of a typical drag queen na makapal ang makeup, nakasuot ng malalaking peluka at magmukhang bading.

Fascinated nga si Andrea sa itsura ng mga ito dahil aminado siya na pag inaplayan na raw ng makapal na makeup ang kanyang mukha, only then can she overcome her insecurity.

Conscious daw si Andrea sa kanang bahagi ng kanyang mukha, short of saying na tabingi ito.

Nagmumukha lang daw pantay ang mukha niya sa wonders of cosmetics.

Andrea finally gets the chance to live her dream of becoming a drag queen.

In the series Drag You and Me, papel na Betty ang ginagampanan ni Andrea.

Totoong babae siya rito na magpapanggap na bading to be able to support her financially hard-up family.

Sobra nga raw kumportable si Andrea who plays Valentine Royale dahil sa pangangarir niya ng kanyang role which is a total departure from who she is in real life.

Keber din daw kung mukhang beki ang tingin sa kanya.

After all, ‘yun naman daw ang layunin niya, that is, to make the viewers believe she’s gay.

Samantala, lalabas na kontrabida sa buhay ni Betty sa serye ang drag queen ding si Christian Bables.

For the record, this is the nth time na gaganap bilang bading ang aktor who’s straight in real life.

Christian is never afraid of being typrcast in gay roles.

Katwiran niya, “Iilan lang kaming may tapang na gumanap bilang bading. ‘Yung iba, natatakot!”

Siguro naman, walang pinariringgang ibang aktor si Christian lalo na ‘yung may mga sexual orientation issues na ayaw magladlad. Ronnie Carrasco III

Previous articlePaluto sa El Nido, bawal na
Next articlePaniningil sa consumers sa delayed projects, kinwestyon sa Senado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here