Home ENTERTAINMENT Andrea, ‘binusalan’ ng istasyon!

Andrea, ‘binusalan’ ng istasyon!

Manila, Philippines – Unusually strange.

Ito ang angkop na phrase para ilarawan ang kakatwang pananahimik ni Andrea Brillantes.

The way people see it, Andrea has every reason to break her silence sa gitna ng kanyang pagkakadawit sa paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Since the breakup of the couple of 11 years last November 30, ni minsan ay hindi nagsalita si Andrea to either confirm or deny her involvement.

Kakatwa in the sense na hindi raw ganoon ang pagkakakilala ng mga netizens sa aktres.

Binanggit ng mga ito noong mag-split sila ng cager-boyfriend na si Ricci Rivero.

Wala raw araw na hindi visible si Andrea sa social media as she talked about Ricci, the “mystery girl” she caught at her then-boyfriend’s condo unit, Ricci’s unwashed clothes na inabot na nang isang buwan, etc.

Bakit daw sa KathNiel breakup issue ay tahimik si Andrea?

Kung wala naman itong katotohanan, mas pabor daw ‘yon kay Andrea para linisin ang kanyang tainted image.

Duda ng mga hosts ng Showbiz Update led by Ogie Diaz, posibleng “binusalan” o sadyang pinatahimik si Andrea.

Ang responsable raw dito ay tiyak na produksyon mismo ng Senior High, ang teleseryeng kinabibilangan ni Andrea.

Maaari daw kasing ikatwiran ng production, kahit totoo na ang ipagtatapat ni Andrea ay wala pa ring maniniwala sa kanya.

It’s better na lang daw for Andrea to shut her mouth.

Samantala, hindi naman mapigilan ang ilang pilit na inuugnay si Daniel kay Andrea.

Nakalkal ng mga netizens ang throwback photo kung saan binigyan ng iPhone ni Daniel ang noo’y neneng-nene pang si Andrea.

Back then, Daniel was 20 years old at dose anyos naman si Andrea.

Ibig sabihin, Daniel was already fond of Andrea noon pa man.

Perhaps little sister ang tingin ni Daniel sa aktres.

Pero noong time ding ‘yon ay kasintahan na ni Daniel si Kathryn. Ronnie Carrasco III

Previous articleSuspensyon sa SMNI walang basehan, kulang sa due process – Padilla
Next articleWalang inaasahang bagyo ‘gang sa pagtatapos ng 2023 – PAGASA