Manila, Philippines- Aminado sina Kat Dovey at Andrea Garcia na kung darating ang pagkakataon, game silang sumabak sa mainit na threesome.
Sa pelikula kasing Sandwich na palabas na ngayon sa Vivamax, makikita sina Kat at Andrea, kasama si Luke Selby na sumabak sa kakaibang trip nila sa sex, ang pakikipag-threesome.
Diretsahang esplika ni Andrea, “I was raised really open minded and liberated. Sorry to everybody whose very conservative, but I don’t think I’ll never say never if the opportunity is there, if it’s safe practice, if it makes you happy, if you’re not hurting anybody, then why not? Hindi ba?”
“Ako po I will try anything once, so yeah, never say never, iyon lang po,” pahayag naman ni Kat.
Dagdag pa ni Kat, “If I meet the right person that I feel comfortable enough to try it with. then I will never stop myself from experiencing things that I want to.”
Possible raw na pareho, na either lalaki or babae ay okay lang kay Kat maka-threesome.
Nakangiting sambit naman ni Andrea, “Parang babae lang ang kaya ko, kasi parang hindi ko kaya ang dalawang hotdog… nakakatakot, eh, hahaha!”
Mula sa malikhaing utak ni Brillante Mendoza, tunghayan kung paano mauuwi sa karahasan ang pakikipag-threesome ng mag-asawang Edward (Luke Selby) at Ria (Kat Dovey).
Sa kagustuhan ng mag-asawa na makaranas muna ng excitement bago makulong sa bahay dahil sa lockdown, inimbitahan nila si Candice (Andrea Garcia) para sumiping sa kanila.
Pumayag naman ang dalaga lalo na’t brokenhearted pa ito dahil sa pagkahiwalay sa nobyo.
Hindi nila alam na ang kanilang maiinit na tagpo ay pinapanood ni Andrew (Nico Locco) na nakatira sa kabilang condo unit. Nagawa pa nilang papasukin ang binata sa kanilang tahanan.Dahil sa kanyang karisma, naging at
ease sina Edward at Ria kay Andrew. Pero dahil kay Andrew, anumang sarap ang naranasan nila sa threesome ay mapapalitan ng walang katumbas na pasakit.
Mula sa direkyson ni Jao Daniel Elamparo (editor of Death of a Girlfriend), mapapanood na ang Sandwich sa Vivamax. Nonie Nicasio