Home ENTERTAINMENT Andrea, nagparamdam kay Jakob Poturnak!

Andrea, nagparamdam kay Jakob Poturnak!

Manila, Philippines – If you’re back to being single, that means you’re ready to mingle!

Ito ang obyus na senyales na gustong ipaabot ni Andrea Brillantes ngayong break na sila ni Ricci Rivero.

Mapapanòod ito sa kanyang latest vlog kung saan naglalaro sila with her three friends ng Date or Pass.

Mala-Jojowain o Totropahin ang mechanics ng kanilang game.

May mga celebrities na babanggitin, at walang ibang gagawin si Andrea kundi sabihing she either wants to date them or ‘di bale na lang.

Among sa mga tatablahin daw ni Andrea ay si Kobe Paras, anak nina Benjie Paras at Jackie Forster.

Tablado rin sa aktres si JK Labajo, pati na rin si Donny Pangilinan.

Pero nilinaw naman na hindi porke “pass” ang sagot niya ay hindi niya bet to go out with them.

Ilan kasi sa mga nag-pass siya ay naka-date na niya in the past.

At dahil hindi niya maimadyin ang sarili to get into a deeper relationship with them ay mas gugustuhin ni Andrea na maging best friends niya ang mga ito for lIfe.

Pero sa lahat ng mga gustong maka-date ni Andrea, namumukod-tangi si Jakob Poturnak.

Si Jakob ang panganay na anak ni Ina Raymundo.

Nakakakilig ngang kuwento ni Andrea: “Dati ko na siyang crush.

“Actually, we already met before. He came to me and introduced himself, ‘Hi, l’m Jakob!’ Kaso that time, I was with my boyfriend at magka-holding hands kami!”

Hindi naman klinaro ni Andrea kung si Ricci ba ang tinutukoy niyang nobyo that time.

Kung sinuman ‘yon, the fact remains na non-committal sa ngayon ang aktres.

At sa sobra ngang infatuated niya kay Jakob, napatili si Andrea ng: “Hi, Jakob, if you’re watching…I’m single!”

Nakatikim tuloy siya ng pangangantiyaw mula sa kanyang mga kaibigan.

Ang tanong: sunggaban kaya ni Jakob ang “palay na kusa nang lumalapit”?

Boto naman kaya si Ina kay Andrea kung sakali? Ronnie Carrasco III

Previous articleKelot utas kay ‘konsi’
Next articleDalagitang nagpa-load, natagpuang patay sa sagingan