Home ENTERTAINMENT Andrew, ikakasal na; Julius at Tintin, kinuhang ninong at ninang!

Andrew, ikakasal na; Julius at Tintin, kinuhang ninong at ninang!

Manila, Philippines – Totoo ang kasabihang: “May ikalawang glorya” para kay Andrew Schimmer.

Si Andrew ang namatayan ng partner na si Jho Rivero noong December 22.

A year after Jho’s death ay tumibok muli ang puso ng father of two.

Sagot sa kanyang pangungulila ay si Dimps Greenvilla.

Ani Andrew sa vlog interview sa kanya ni Julius Babao, timing raw ang pagdating ni Dimps sa kanyang buhay.

Hindi raw niya ito hinanap,”Kundi ipinagkaloob ng Diyos sa akin!”

Pakiramdam daw ni Andrew ay baka awang-awa na raw sa kanya ang nasa Itaas kaya ibinigay si Dimps sa kanya.

Aniya, kallangan din naman daw niyang magkaroon ng katuwang sa buhay.

“At saka kawawa ang mga bata,” referring to his kids with Jho.

Nang una ngang lumabas ang tungkol sa bago niyang pag-ibig one year after Jho’s death ay marami ang kumuwestyon kung paanong marami rin ang nakaunawa kay Andrew.

Yes, Andrew needs to move on by fixing his life.

Kaya raw sa darating na Valentine’s Day ay magpapakasal na sila ni Dimps.

Kinukuha ngang ninong at ninang ni Andrew sa kasal ang mag-asawang Julius at Tintin Bersola. Ronnie Carrasco III

Previous articleLotto Draw Result as of | January 20, 2024
Next articleMga artistang kinatawan sa MIFF sa LA, inilabas na!