Home OPINION ANG MAY KARAPATANG MAGING PNP CHIEF

ANG MAY KARAPATANG MAGING PNP CHIEF

APAT ang isinumiteng pangalan ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang pagpilian na hahalili sa pwestong babakantehin ni P/Gen Benjamin Acorda Jr. bilang hepe ng Philippine National Police sa Marso 31.

Pawang magmi-mistah ang inirekomenda ni Abalos na posibleng pumalit kay Acorda at ang mga ito ay sina P/MGen Ronald Lee, hepe ng Directorate for Operations, P/MGen Mario Reyes, hepe ng Directorate for Logistics, P/MGen Matthew Baccay, Directorate for Personnel and Records Management at P/MGen Jose Melencio Nartatez, regional director ng National Capital Region Police Office.

Ang apat na inirekomenda ni Abalos na pawang miyembro ng Philippine Military Academy Class  “Tanglaw Diwa 92”, ay nagtataglay ng mga katangian ng magiging bagong PNP sapagkat ang mga ito ay nagbibigay halaga sa paglutas ng  illegal drug problem, cybercrime problem at iba pang index crimes na bagama’t napababa na ay kailangan pa rin na patuloy na mapalakas ang kampanya.

Aba naman, palagay ko naman ay lamang na ang minamanok natin este ang boss natin na walang iba kundi si Gen. Nartatez o “Tateng” sa mga nakakikilala at malalapit na kaibigan sapagkat sobra-sobrang serbisyo ang kanyang ipinakita na kung kaya nga ang NCRPO ay laging Number 1 sa Unit Performance Evaluation Rating simula nang maupo siya noong Hulyo.

Kung si PNP Chief Acorda ay may 5 points agenda, si Tateng ay may 7 points agenda.

Kasama sa kanyang agenda ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupang tauhan kung kaya naman ay hindi lang sa sibilyan nakatutok ang kampanya laban sa droga subalit maging sa hanay ng mga pulis kaya’t sumailalim sa drug test ang 22,000 strong police force ng NCRPO at pinanatiling drug free ang kanyang nasasakupan kaya ang 20 na nagpositibo ay kaagad na kinasuhan.

Pinairal ni Nartatez ang renaissance and law enforcement, pinaigting ang efficiency and interrity laban sa mga hindi maayos nap ag-uugali ng mga pulis kung saan 1001 ang naparusahan at nagpakita ng “zero tolerance policy” kaugnay sa korapsyon at maling gawain.

Ibang klase rin ang mga kaalaman ni Nartatez kaugnay sa ‘Modern Law Enforcement” kaya naman nais niyang maging ang kanyang mga tauhan ay hindi rin pahuhuli pagdating sa kasanayan at kaalaman kung kaya’t nakapagsagawa ang  NCRPO  ng 477 trainings para sa mga personnel nito.

Marami pang maaaring ipagyabang si Gen Nartatez subalit siya ay masasabing “Man of Few Words.”

Basta, naniniwala ang Pakurot  na si Nartatez ang “the best man for the position.” Kasi nga pagdating sa Law Enforcement, una kay Tateng ang serbisyo at kaligtasan ng publiko. O, kanino pa tayo?

 

Previous articleBELMONTE : LEADERSHIP NOT GENDER MAKES GOOD GOVERNANCE
Next articleDINASTIYA AT NEPOTISMO