Home OPINION ANG ‘P.I.’ NA ‘YAN!

ANG ‘P.I.’ NA ‘YAN!

SABI nga sa isang kanta, nakaka-PUSANG INA namang talaga na malaman na ginugunggong na naman tayo ng mga pulitikong inihalal natin sa pwesto.

Aba’y mga sarili na naman nila ang kanilang iniisip sa isinusulong na mapalitan ang kasalukuyang Saligang Batas.

Mabuti sana kung pabor sa ating mahihirap na Pilipino ang Charter change, kaso baka ang mga buwaya lang ang makinabang sa pagpapalit ng ating Konstitusyon.

Ang kapatid mismo ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na si Senadora Imee ang nagbulgar na ang liderato ng Kamara de Representantes ang gumagalaw o nag-iinisyatiba para palitan ang Konstitusyon.

Sabi nga ng senadora, mukhang may gustong maging PRIME MINISTER ng bansa mula diyan sa Kongreso.

Hindi naman sinasabi ni Sen. Marcos na ang pinsan niyang si House Speaker Martin Romualdez ang nangangarap maging PM sa pamamagitan ng Cha-Cha ngunit ang mga nakalap niyang ebidensiya ay tumutumbok sa opisina ni Cong, Martin.

Ani Senadora Imee, ang mga abogado at staff sa opisina ni Speaker Martin ang sangkot sa ‘signature campaign’ o pagpapapirma para palitawing INISYATIBA ng mga Pinoy o People’s Initiative ang pagpapalit ng Saligang Batas.

Sobrang nakasusuka ang “da moves” na ito ng opisina ng pinsan ng Pangulong Marcos dahil P100 ang suhol na kapalit ng pagpapapirma nila sa taumbayan.

May mga erya na hindi nila makuha sa P100 ang kada pirma kaya ginawa itong P1,000.

Ang pagpapapirma para sa PUSANG INA o P.I. na yan ay pinadaan sa mga kongresista.

Ayon kay Sen. Imee,  ang ALOK o SUHOL naman sa mga kongresista ay P200 milyon bukod sa naunang ibinigay sa kanilang P2 milyon na “pabaon” bago ang Christmas break.

Masyado itong nakababalasubas sa ating mga Pilipino dahil habang ang suhol sa mga kongresista ay P22 milyon, gusto lang tayong bigyan ng ISANGDAANG PISO para ibenta ang ating kaluluwa kay Satanas!

Mga buwakang at P.I. n’yo! Mauna kayong mabulok sa impiyerno!

Previous articleMAGANDANG BALAK SA AGUSAN DEL NORTE
Next articleHIRAP MAGBASA