Home NATIONWIDE Angara sa non-stop attack ng tuta ni Romualdez: ‘Wag bully’

Angara sa non-stop attack ng tuta ni Romualdez: ‘Wag bully’

MANILA, Philippines – Matinding pinalagan ni Senador Edgardo “Sonny” Angara ang walang humpay na pag-atake na itinuturing na tuta ni House Speaker Martin Romualdez sa Senado na nagmimistulang bullies sa harap ng mata ng mamamayan.

Sa pahayag, sinabi ni Angara, chairman ng Senate sub-committee on constitutional amendments and revision of codes, na walang pagpipilian ang mga senador kundi ipagtanggol ang Senado bilang isang insttusyon.

Pagkatapos ipatigil ng Commission on Elections (Comelec) ang pekeng peoples initiative ni Romualdez na kumakalap ng lagda kapalit ng P100 ayuda, sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng tila tuta nito sa mga senador na komontra sa kagustuhan ng Mababang Kapulungan.

“The congressmen who hold daily press conferences just to “attack” senators on the charter change issue are “bullies because of these non-stop attacks, senators have no choice but to answer and defend the Senate as an institution,” giit ni Angara.

“It will help going forward. Pero sana, pag nasagi kami, hindi naman pwedeng hindi kami sumagot. Self-defense lang yun, inherent right of every individual, every institution to defend themselves,” dagdag ni Angara sa “Kapihan sa Senado” news forum.

“Hindi ba, pag binu-bully ka, hindi ka sasagot? Hindi naman pwede… ako ang author ng Anti-Bullying Act ha, sa House,” pabirong sinabi ni Angara.

Inilunsad ng Senado ang sariling imbestigasyon nito sa pekeng people’s initiative para sa charter change

“Biro mo, araw-araw. Hindi ba parang bully yun? Pumunta ka ng CR, tapos oh andun na naman yung bully… hindi ba parang inaaraw-araw kami. Parang, guys, mag-break naman, time out mag-trabaho naman tayo,” ani Angara.

Taliwas sa people’s initiative, ang diskusyon ng Senado sa about RBH6 ay “more transparent,” ani Angara.

“Mas transparent ang process ngayon. Napapanood ng mga kababayan natin, ano ang mga argumento? Hindi kami namimili sino lang ang pabor at sino lang ang kakampi. Tinignan namin yung mga eksperto talaga. Parang educating our countrymen. Ano ba ang Saligang Batas? Tungkol sa atin ito, para maintindihan nila. Unlike ng PI na minamadali, ginagamitan pa ng pera,” giit pa ng mambabatas.

“Ginagawa namin tamang proseso. Hindi namin itinatago sa tao, kitang-kita, klaro sa tao. Unlike sa PI patawag ng AICS payout. Pupunta lahat ng tao dyan, hindi pinaliwanag sa kanila tapos minadali pa. Just be transparent and open with the process. Hindi natin nilinlang ang publiko. Kinabukasan natin ito. Ganyan ba kababa ang tingin nyo sa Pilipino na ibibigay ang pirma sa ilang piso lang?” paliwanag pa ng senador mula Aurora.

Sa hiwalay na pahayag, kinuwestiyon naman ni Senator Chiz Escudero ang authority ng mga kongresista na pilitin ang Senado na ideneklara ang kanilang posisyon sa charter change.

Sa halip, hinamon ni Escudero ang mga kongresista kung ano ang naging papel nila sa pangangalap ng lagda para sa pekeng PI na ginamitan ng pondo ng bayan nang walang paliwanag sa nilalaman ng signature forms.

“Why don’t they come out in the open, be accountable and admit to the public that they are truly the ones behind this pekeng People’s Initiative instead of doing a striptease?” tanong ni Escudero.

“Noong una, sinasabi nila ‘wala kaming kinalaman dyan’ then, sumunod na sinasabi na sila ay ‘facilitator but not orchestrator…’ and now, they have the nerve to say ‘titigil namin ang PI pag pinasa nila ang RBH6,” giit pa ni Escudero.

“It would bode well for them to heed their own Speaker’s words when he quoted the saying ‘People who live in glass houses shouldn’t throw stones,’” ayon sa mambabatas.

Nakatakdang ipagpatuloy ang diskusyon sa RBH6 sa Lunes, Pebrero 12 na isesentro ang talakayan sa specific provision ng public utilities.

“Magpo-focus tayo dun sa iba’t-ibang mga kailangang amyendahan. Number 1, yung Public Utilities… ang gagawin naming sa Public Utilities, sa Public Services ng Konstitusyon, ire-reiterate na lang namin yung nakalagay dun sa Public Services Act. Kasi yun, pinasadahan na yun ng Lehislatura eh.. we will reiterate what is there, and give it flexibility,” paliwanag ni Angara. Ernie Reyes

Previous articlePBBM nagpaabot ng panalangin sa mabilis na paggaling ni King Charles III sa kanser
Next articleTailored, multi-sectoral approach sa problema sa paninigarilyo suportado ng Pinas