Home METRO Angat Dam magpapakawala ng tubig ngayong Huwebes

Angat Dam magpapakawala ng tubig ngayong Huwebes

MANILA, Philippines- Bubuksan ang spill gates ng Angat Dam ngayong Huwebes, alas-11 ng umaga, para pakawalan ang labis na tubig dagil sa pag-ulan sa nakalipas na 48 oras.

Dahil sa patuloy na pagpatak ng tubig-ulan sa Angat reservoir sa nakalipas na 48 oras, nagbabala ang National Power Corporation (NPC-Angat Dam Office) sa Provincial governor’s office, Provincial Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) maging sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Calumpit na lumampas na ang lebel ng tubig sa dam sa normal level na 210 metro.

Sinabi ng NPC Angat Dam office sa Barangay San Lorenzo, Norzagaray, Bulacan, sa pamamagitan ni Homer S. Galang, manager, na bubuksan ng Angat Dama ang spillway gates nito sa inisyal na 0.5 meters mamayang alas-11 ng umaga upang mapanatili ang ligtas na safe water level sa reservoir.

Pinaalalahanan naman ng Calumpit MDRRMO ang Calumpiteneous, partikular ang mga naninirahan sa low-lying areas at mga tabing-ilog sa Norzagaray, Angat, Bustos, San Rafael, Baliuag, Plaridel, Pulilan, Hagonoy, at Paombong na mag-ingat at maging alerto. 

Anito, bagama’t nananatiling normal ang lebel ng tubig sa Angat River at Pampanga River, maaaring makaranas ng bahagyang pagtaas ng tubig dahil sa slight pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam at maging sa high tide. RNT/SA

Previous articlePBBM, mga senador nag-dinner sa Malacañang
Next articleAbogado, 3 pa tiklo sa ‘investment scam’