Base sa PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION (PAGASA), noong ika-7 ng Pebrero, bandang alas-6 ng uma- ga, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 212.93 metro. Ibig sabihin nagsisimula na ang pagbaba ng antas lalong-lalo na at papasok na ang panahon ng tag-init, mas maraming gagamit ng tubig.
Noong 1968 ginawa ang dam kaya nasa limangput-limang taong na ngayon. Dati-rati, kakaunti lang ang mga establishment, industriya at mga taong naninirahan sa Metro Manila, iilan lang ang kumokonsumo ng tubig na nanggagaling sa Angat Dam kaya sapat ang tubig kahit sa panahon ng tag-init.”
Todo na ang pagbabantay ng National Water Resources Board (NWRB) sa naturang dam upang maiwasan 180 meters.
Ang panawagan ni Dr. Sevillo D. David Jr., Executive Director ng NWRB, bawasan ang inyong paggamit ng tubig kung kayo ay nasa trabaho o nasa public area, tulad ng malls at restaurant o nasa loob ng inyong tahanan.
Ang pagtitipid ng bawa’t pamilya ay maaaring gumawa ng malaking pagkakaiba kung lahat tayo ay nagkakaisa na maging responsible sa paggamit ng tubig.
Sa panahon ng tag-init, siguradong tataas din ang konsumo ng tubig at kuryente. Kaya naman, para makatulong sa mag-asawa sa kanilang pagbaba-badyet.
Palagiang tandan, maging responsible sa paggamit ng tubig, siguradong makatipid sa mga gastusin sa bahay.
Ipinapaalala ang tamang pagtitipid ng tubig:
– Huwag iwanang nakabukas ang gripo habang nagsisipilyo.- Huwag hayaan umaagos ang tubig kapag naghuhugas ng mga prutas, o gulay sa halip ay gumamit ng palanggana sa paghuhugas ng mga ito. Pagtapos itabi ang tubig na nagamit at ilaan sa iba pang paglilinisan sa bahay gaya ng pagdidilig ng halaman.
– Gumamit ng mga malinis na baunan at lalagyan ng pagkain para makaimbak ng tubig pangluto at pang-inom. Bago inumin, pakuluan muna ang tubig.
– Huwag mag-imbak ng tubig sa mga lalagyan na dating pinag-imbakan ng mga nakalalasong kemikal.