Home ENTERTAINMENT Angelica Cervantes, umaming tibo!

Angelica Cervantes, umaming tibo!

Manila, Philippines – Meron na namang sexy film na inihahandog ang Vivamax this coming December 8, 2023 titled Haslers na pawang sexy girlash ang lead stars na kinabibilangan nina Angelica Cervantes, Denise Esteban, Quinn Carrillo at Hershie de Leon.

“We play four friends na very close noong una pero nagkaiba-iba ng landas sa buhay. Ako po si Cheska, ‘yung parang mother ng grupo na pinakamatalino sa lahat. Naging valedictorian po ako and became a lawyer,” pag-i-info ni Angelica during Q&A portion sa mediacon ng Haslers movie.

May nagtanong, how does her family accept her going sexy in Vivamax Films?

“Supportive naman po sila. But ‘yung parents ko, I told them huwag na lang silang manood. I’m using this lang naman para mapansin ang acting talent ko and later get offers in mainstream movies where I won’t be required na maghubad.”

And take note, napakaprangkang sumagot nitong si Angelica tungkol sa kanyang lovelife.

When asked kung may karelasyon siya ngayon ang kanyang naging kasagutan ay meron daw siyang karelasyon pero hindi raw boyfriend kundi girlfriend daw.

Bisexual daw kasi siya.

“Three years na rin kami. Nagkaroon din po ako ng boyfriend noon. But mas malakas ang emotional bonding namin ng karelasyon ko ngayon,” she even added.

Well, that’s what you called destiny ika nga.

Niwey, ang Haslers movie is a suspense-drama Vivamax Original Movie by Jose Abdal Langit.

The movie also stars Marco Gomez and Calvin Reyes as Alex and Gabby, two of the many men who will be a source of pain to the women’s lives. Mercy Lejarde

Previous articleMga programa para sa mga kabataan, inilunsad sa Navotas
Next article3 estudyante nalunod sa ilog sa Davao