Manila, Philippines – Inamin ni Angelica Panganiban na hindi pa siya handang bumalik sa showbiz.
Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng couple na sina Angelica at Gregg Homan ang isang taon nila ng pagiging vlogger.
At sa pamamagitan ng kanilang latest question and answer video na ibinandera sa YouTube ay sinagot na ng aktres ang tanong ng fans kung kailan siya babalik sa pag-arte.
Ayon kay Angelica, inaantay lang niyang mag-isang taong gulang ang kanyang anak at doon niya raw pag-iisipan kung tatanggap pa siya ng mga proyekto.
“Pwede ko siyang pag-isipan after mag-September, after mag-one year ni Bean,” sey ni Angelica.
Paliwanag niya, “Kasi doon medyo less guilt na siguro ‘yung pagtigil ko sa pagpapadede.
“Pwede na akong magbasa ng scripts, tumanggap ng offers. Kasi ngayon, nakapila lang sila, but hindi ko pa binubuksan yung pintuan – meaning hindi ako nagbabasa ng script,” chika pa niya.
Nabanggit din ni Angelica na kahit may mga alok sa kanya na projects ay hindi pa niya ito tinitingnan dahil ayaw niyang matuksong bumalik agad sa trabaho. Rommel Placente