Home ENTERTAINMENT Angelica, umiskor ng farm!

Angelica, umiskor ng farm!

Manila, Philippines – Sabi nga, if you have lots of moolah…spend it!

Pero sa kaso ng 37 anyos na si Angelica Panganiban, hindi siya ang tipong padalus-dalos sa paggastos.

She sees to it that what she buys is worth it.

Dalawang property ang naipundar kamakailan ng Mrs. Gregg Homan.

Isang Ford Territory na latest model at isang summer getaway na ayon sa kanya’y pag-aari ng kanyang one-year-old daughter na si Amila Sabine or who she affectionately calls Baby Bean.

Located in Tanauan, Batangas, isa itong farm na balak patayuan ni Angelica ng tiny house.

Nais din niyang mag-alaga ng farm animals.

Although this piece of land daw needs to be developed, it will go full blast next year.

Bukod dito’y nasa plano rin ng aktres na mamili pa ng maraming properties.

It took a while nga bago nagkaroon ng farm si Angelica.

Kuwento niya sa kanyang vlog: “Katas ‘yon ng ginampanan kong Madame Claudia sa Pangako Sa ‘Yo, more or less nine years ago!”

Ever since daw ay magkaroon ng farm was all she wanted for herself.

“Tahimik kasi. Magandang summer getaway from work para takasan mo ang ingay sa Manila!” sabi niya.

On her newly acquired family car, ang presyo nito’y nasa pagitan ito ng P1.3 at P1.5 million.

Naimaneho na raw ni Angelica mula Subic en route to Batangas ang sasakyang tinawag niyang “our new baby.”

Among our local celrbrities, bukod kay Angelica ay si Piolo Pascual rin ay may farm sa Batangas. Ronnie Carrasco III

Previous articleCash aid scam bubusisiin ng DSWD
Next article₱340K shabu nasamsam, 2 suspek arestado