Home ENTERTAINMENT Angeline, inokray sa bottled water!

Angeline, inokray sa bottled water!

Manila, Philippines- Obyus na biro pero marami pa rin ang naaliw sa video nina Vice Ganda at Angeline Quinto.

Kaswal lang kasi ang tsikahan nila hanggang sa nakatawag ng pansin ng Unkaboggable Star ang ginagawa ng singer during their convo.

Panay kasi sip ni Angeline mula sa bottled water na hawak-hawak niya.

Ikina-distract tuloy ‘yon ng It’s Showtime host.

Tanong tuloy nito: “Bakit ipinapakita mo pa ‘yang hawak mong bottled water, eh, hindi naman ikaw ang endorser niyan?”

Mabilis namang sagot ni Angeline: “Wala lang, pangmayaman kasi!”

Knowing Vice Ganda at kung paanong mambasag ito ng trip ay hindi siya nakatiis na ‘di patulan ang feeling rich na singer.

Ani Meme: “Naku, hindi ka kukuning endorser niyan…pang-Nawasa ka lang!”

We all know na tanging si Vice Ganda lang ang may lisensyang mang-okray ng kanyang kapwa yet she can get away with it.

Buti na lang, hindi pikon at sanay na ang mga tulad ni Angeline sa mga banat ng TV host-comedienne.

Ang iba namang netizens ay gustong mapanoood nakapanayamin ni Vice Ganda si Juan Ponce Enrile.

Matatandaang nababastusan ang dating senador kay Vice Ganda, but who knows, she might be able to charm her way through Manong Johnny? Ronnie Carrasco III

Previous articleDepEd: P18K SRI para sa mga guro sagad na
Next articleSocmed, e-commerce platforms pananagutin ng CICC sa laganap na scam