Home ENTERTAINMENT Angeline, namasyal sa Amerika, dumalaw kay Kris!

Angeline, namasyal sa Amerika, dumalaw kay Kris!

Los Angeles, USA – First, it was Kim Chiu.

Sumunod ay si Boy Abunda.

And the third to have paid Kris Aquino a visit in the US ay si Angeline Quinto.

Pero mukhang side trip lang ang ginawa ng singer-actress sa mismong inuupahang bahay ni Kris sa Amerika.

Kasama kasi ni Angeline ang kanyang partner na si Nonrev Daquina at kanilang anak na si Sylvio.

Makikita sa larawan on social media na napaliligiran si Kris in her bed.

Katabi ni Kris ang nobyong si Batangas Vice Governor Marc Leviste.

Sa kaliwang bahagi ng photo ay si Joshua at nakaupo naman sa kama ang naka-pajama na si Bimby.

Nasa opposite side naman si Angeline who was standing beside Nonrev na kalong si Sylvio.

Walang ibang post si Angeline kaugnay ng kanilang pagbisita kay Kris whose condition is getting better.

Ang post lang ni Angeline, ‘yun daw ang kauna-unahang trick or treat ni Sylvio sa Amerika.

Namasyal na rin daw sila sa ilang lugar doon.

Prior to Kim’s visit, sinamantala na ni Ogie Alcasid ang pagpunta sa US who stopped by Kris who he even prayed over. Ronnie Carrasco III

Previous articleBJMP nanguna sa handover ceremony ng BTV sa ‘Kanlungan sa Piitan’
Next articleP800K cocaine natagpuan sa dalampasigan