Home NATIONWIDE Angkas PH, pinuri sa malasakit sa mga riders at pasahero

Angkas PH, pinuri sa malasakit sa mga riders at pasahero

Angkas CEO George Royeca (nakaputi) habang kinakamusta ang pasahero ng Angkas rider.

Bukod sa mismong sariling mga bikers or riders nito ang masaya at kontento sa pag-alaga ng isang moto taxi company sa kanila, kinagiliwan din ito ng mga pasahero.

Sa isang insidente kahapon maging sa mga nauna pa, hinangaan ng mga riders maging mula sa ibang motorcycle service ang pag-aaruga ng Angkas Philippines sa mga riders at pasahero nito.

Makikita sa mga pahayagan at social media ang maagap at personal na ginawa ni Angkas CEO George Royeca sa naaksidenteng rider at pasahero sa Mandaluyong City kahapon, Nob. 22.

Sinadyang banggain ng isang orange SUV ang isang Angkas MotoTaxi rider habang may angkas ito, na agad na tumumba sa lakas ng ssdyang pag saltik dito ng nasabing SUV.

“Una, salamat po sa Dios at ligtas ang aming rider maging pasahero nito. Kahindik-hindik ang ganitong pangyayari kaya po tayo ay nagkakaloob ng insurance sa rider maging sa pasahero nito,” pahayag ni Royeca na tila “superhero” ng mga riders na humahanga.

“Bukod po dito, patuloy natin pinapatupad ang tamang training sa lahat ng riders hindi lang proteksyon sa kanilang sarili bagkus ay sa mga pasahero nila. Kaya po ang safety record ng Angkad ay nanatili na 99.997 percent,” dagdag ni Royeca.

Ayon din kay Royeca, sasampahan nila ng kaukulang kaso ang SUV para di na pamarisan at para mabigyan ng leksyon. RNT

Previous articleIsrael-Hamas conflict ‘di na giyera, terorismo na
Next articleBiyuda todas sa kwitis sa Bocaue