![]()
MASAYANG ibinalita ni Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na inaprubahan na ng NEDA Board o National Economic and Development Authority Board ang anim na malalaking proyektong gagawin sa loob ng Marcos’ administration.
Kabilang sa mga ito ang –
· Cancer Center sa University of the Philippines – Philippine General Hospital na isang public-private partnership na may ponding P6 billion;
· Karagdagang pondo para sa MRT-3 Rehabilitation Project na P7.6 billion para sa kabuuang P29.6 billion;
· Pondong P2.12 billion mula sa JICA o Japan International Cooperation Agency para sa pagbili ng Communications Navigation and Surveillance for Air Traffic Management;
· New Dumaguete Airport Development Project na popondohan ng P17 billion kung saan P13 billion ay mula sa official development assistance ng Korean government;
· Mindanao Inclusive Agriculture Development Project na naglalayon na mapataas ang agricultural productivity, resiliency and access to markets and services sa Mindanao na ipatutupad ng DA o Department of Agriculture sa halagang P6.6 billion na ang malaking bahagi ng pondo ay magmumula sa World Bank at ang iba ay mula sa DA at mga kasamang local government unit; at
· Integrated Flood Resilience and Adaptation Project ng DPWH o Department of Public Works and Highways sa tatlong major river basins ng Abra, Ranao at Tagum Libuganon sa Mindanao. Nilaanan ito ng pondong P20 billion na mula sa Asian Development Bank.
· Aprubado rin ng NEDA Board ang kahilingan ng DoTr o Department of Transportation sa changes in scope, increase in cost, and extension of the implementation period ng Davao Public Transport Modernization Project at MRT-3.
Ang mga nabanggit na programa, ayon kay Secretary Balisacan, ay bahagi ng economic development agenda ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at inaasahang magpabubuti ang buhay ng mas maraming Pilipino.