Manila, Philippines- Nabuhayan ng loob si Anjo Yĺlana na masisingil na niya ang kanyang natitira pang collectibles sa Eat Bulaga.
Ito’y matapos maiulat na nabayaran na sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon.
Matatandaang si Tito Sotto ang nagbunyag sa exclusive interview sa kanya ng PEP na may utang na tigti-P30 million ang mga Jalosjos sa dalawang pioneer hosts ng Eat Bulaga.
Taong 2022 daw ang collectibles nito.
Ayon kay Bossing, na-wrong info pa nga raw ang nakatatandang kapatid dahil mahigit P40 million kung susumahin ang atraso sa kanya.
Sa presscon kamakailan ng kanyang bagong sitcom sa GMA, ibinalita ni Bossing na nabayaran na raw siya.
Napag-alamang tseke ang ibinayad kay Bossing nitong May 6, Sabado.
Ipinagpapalagay na nabayaran na rin si Joey bagama’t hindi raw ito sumasagot sa mga text messages.
Dahil dito’y umaasa rin si Anjo na mababayaran na rin ang pagkakautang sa kanya.
Aniya, umabot din ng 25 taon nang maging co-host siya ng EB.
Hindi nga lang daw niya pinagmakaingay ang utang sa kanya kundi ngayon lang.
Sa tantya ni Anjo, nasa pagitan ng lima at anim na buwan pa ang dapat niyang singilin.
Hindi naman binanggit ni Anjo ang kabuuang halaga ng utang sa kanya.
Timing daw na noong manalasa ang pandemya ay pumapasok sa kanyang bank account ang ibinabayad sa kanya.
Noong una raw ay P200k at sinundan ng iba’t ibang halaga hanggang sa natigil.
Nagtataka nga raw si Jackie, ina ng mga anak niya kung bakit nagrereport siya sa EB pero hindi sumasahod.
Dahil kaibigan daw niya si Bullet Jalosjos ay si Jackie na raw ang naniningil para kay Anjo.
Si Bullet ang chief finance officer ng Tape, Inc. na producer ng EB.
Wala raw ideya si Anjo kung nasingil na ni Jackie ang utang sa kanya, pero malamang ay hindi.
Wala naman daw aniyang problema kung uunti-untiin ang pagbabayad sa kanya.
Aside from Anjo, sinu-sino pa kayang EB hosts ang may collectibles pa? Ronnie Carrasco III