Home ENTERTAINMENT Annabelle, papangalanan na ang sasampalin at sasabunutan!

Annabelle, papangalanan na ang sasampalin at sasabunutan!

Manila, Philippines- Inaabangan ngayong araw, February 28, ang tinatayang babaeng nagpainit ng ulo ni Annabelle Rama kahapon.

The feisty showbiz mother took to her Facebook account her anger toward an anonymous woman.

Dahil sa galit, nais daw ni Bisaya (tawag kay Annabelle) na sampalin at sabunutan ang taong ‘yon.

Nagka-hint lang sa kasarian ng misteryosong taong ‘yon dahil sa pagtawag ni Annabelle ng “santa” sa kanya.

But Annabelle’s form of address was derogatory dahil ang katugtong ng santa ay salitang “maniac.”

Ikinagalit ni Annabelle ang umano’y pagmamalinis ng taong ‘yon.
In her FB post, sinabi niyang: “Akala mo kung sinong santang maniac!”

Inuurot naman si Annabelle na pangalanan kung sino ang tinutukoy niya.

Parang serye sa komiks ito dahil inaabangan ang pagpapatuloy ng kuwentong ito.

Ibinitin kasi ni Annabelle ang mga netizens sa pagsasabing ngayong araw, February 28, ay isisiwalat niya kung sino ang kanyang pinatutungkulan.

Of late ay walang maisip ang mga netizens na kaaway ni Annabelle maliban sa kanyang manugang na si Sarah Lahbati.

Si Sarah nga ba ang gustong sampalin at sabunutan ng palabang showbiz mom?

Abangan! Ronnie Carrasco III

Previous articleDigong sa akusasyong pagbibigay ng armas ni Quiboloy: Ako pa magbigay ng kanyon sa kanya
Next articlePagkamatay ng inmate tatalupan ng MPD