Home NATIONWIDE Anniv celebration ng EDSA People Power, manageable at generally peaceful – PNP

Anniv celebration ng EDSA People Power, manageable at generally peaceful – PNP

MANILA, Philippines – Sa kabila ng sumbong na hinarass umano ng ilang pulis ang mga aktibista, sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Pebrero 26 na naging mapayapa at ‘manageable’ ang ika-38 anibersaryo ng EDSA People Power revolution.

Kasabay nito ay pinuri rin ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. ang kanyang mga tauhan sa hindi pagkakaroon ng ‘untoward incidents’ sa selebrasyon sa Manila at Cebu.

“In Manila, we deployed accordingly, and the conduct of rallies were generally peaceful and yielded no untoward incidents; even the flow of traffic was not affected,” sinabi ni Acorda sa press briefing.

“In Cebu, although they were expecting 40,000, but only 5,000 showed up, it was very manageable,” dagdag pa niya.

Ani Acorda, nagpakalat sila ng 41,000 tauhan sa buong bansa upang masiguro ang seguridad ng publiko sa mga aktibidad na may kinalaman sa anibersaryo.

Hindi naman direktang sinagot ng opisyal ang tanong patungkol sa iniulat na harassment laban sa mga aktibista ngunit sinabing ginagawa lamang umano nila ang kanilang trabaho at walang intensyon na pigilan ang kanilang karapatan.

“We don’t intend to suppress any rights [but] with regards to violations that were out of line, I think it is also our mandate to implement such provisions of the law,” sinabi ni Acorda.

Nitong Linggo, sinabi ng ilang grupo mula Laguna at Cavite na lumahok sa protesta na hinarang umano sila ng mga pulis sa isang checkpoint at sinabihan na huwag nang sumali sa aktibidad.

Isa sa mga grupo na nagsabi na ang mga jeepney na ginamit nila para ibyahe ang mga magpoprotesta mula Los Baños at Sta. Rosa sa Laguna at Bacoor City, Cavite ay pinahinto sa checkpoint ng ilang oras. RNT/JGC

Previous articleJose Moises Salonga itinalagang LWUA administrator
Next articleTech-Voc program sa SHS grads, rerepasuhin sa Senado