Home OPINION AÑO O KHAN?

AÑO O KHAN?

ANOMANG patumangga basta’t malalagay sa peligro ang bansa, ‘di yan uubra kay National Security Adviser Eduardo Año.

Gaya na lamang ng rekomendasyon nitong si United Nations Special Rapporteur Irene Khan na dapat buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC, bagsak para kay Año.

Para sa NSA, isa itong pabaligtad na diskarte. “Counterproductive” ang sabi ni Año sa ‘recommendation’ na ito ni Khan.

Paliwanag pa ng kalihim, babalewalain lamang ni Khan ang pinagsikapan na ‘whole-of-nation approach’ ng pamahalaan na matagumpay namang lansagin ang CPP-NPA-NDF sa loob ng limang taong lamang, matapos naitatag ang NTF-ELCAC.

Dito pa lamang, makikita nating alam ni Secretary Año ang kanyang pinagsasabi bilang National Security Adviser. Mahaba ang kanyang karanasan kung seguridad ng bansa lamang ang isyung pag-uusapan.

‘Di man talagang nalansag na ang pwersa ng CPP-NPA-NDF, nabasag naman ito sa loob ng limang taon, kumpara sa lagpas limangpung taon nitong pananalasa. Tapos ay bigla na lang sasabihin ni Khan na buwagin na ang task force. Ano ba ang alam niya? Nasubuan lamang siya ng mga maling impormasyon at ‘di siya talagang nagberipika.

‘Di uubra yan kay Año. Ang mama na yan ay eksperto, kaya nga ang tinuran niya sa recommendation ni Khan ay dalhin na lamang ng ‘ale’ sa kanyang pagbalik kung saan man siya nanggaling.

Ang panghihimasok ni Khan sa takbo ng seguridad ng bansa ay ‘di katanggap-tanggap. Hinding-hindi ito gagawin hangga’t nandyan si Año.

Kaya nga dalawang Pangulo (Duterte at Marcos) na ang napagsilbihan niya dahil alam ng mga ito na talagang dalubhasa si Secretary Año sa larangan ng seguridad sa bansa. ‘Di pa kasama diyan ang kanyang paninilbihan bilang military officer.

 

 

Previous articleMGA KULAY NG CHINESE NEW YEAR
Next articlePARA SA SENIORs, PWDs