Home NATIONWIDE Año sa Tsina: Maritime security target ng PH-US air patrols, ‘di gulo

Año sa Tsina: Maritime security target ng PH-US air patrols, ‘di gulo

MANILA, Philippines – PINALAGAN ni National Security Adviser (NSA) Eduardo Año ang naging pahayag ng China na ang kamakailan lamang na joint air patrols ng Filipino at American aircraft sa West Philippine Sea (WPS) ang dahilan ng gulo sa rehiyon.

“Our engagements with the United States are well within our rights as a sovereign and independent nation, aimed at promoting maritime security and upholding international law. We reject any assertion from other countries that seek to undermine our legal and legitimate activities,” ayon kay Año.

Idinagdag pa nito na ang joint air patrol nito lamang Lunes, sa pagitan ng Philippine Air Force (PAF) at US Pacific Air Force ay naaayon sa batas at routine exercise na naglalayong palakasin ang interoperability sa pagitan ng mga allied forces at pino-promote ang “regional peace and security” sa Indo-Pacific Region.

Ang pinagsamang air patrol, kasama ang tatlong PAF FA-50 light jet fighters at isang US Pacific Air Force B-52 strategic jet bomber, sakop ang lugar na 90 nautical miles west ng Candon, Ilocos Sur, at 50 nautical miles northwest ng Lubang, (Occidental) Mindoro.

“The joint patrols conducted inside Philippine territory serve the purpose of enhancing maritime security, promoting regional stability, and upholding international law. These patrols help deter illegal activities, ensure freedom of navigation, and contribute to the protection of shared interests in the region,” ayon sa NSA.

Tinuran pa ni Año na ang international law, partikular na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kinikilala ang sovereign rights ng coastal states.

“We urge China to respect the sovereign rights of the Philippines conducted within its territory consistent with its national interests and international law,” diing pahayag ni Año.

Winika pa nito na ang joint air patrol kasama ang Estados Unidos ay bahagi ng long-standing defense cooperation ng bansa habang ipagpapatuloy naman ng Pilipinas na makipagtulungan sa mga kaibigan, kaalyado at katuwang para matiyak ang ligtas at mayabong na hinaharap ng lahat ng bansa sa Indo-Pacific Region.

Ayon pa kay Año, ang pagsunod sa itinatag na legal frameworks ay mahalaga para pangalagaan ang mapayapang relasyon, katatagan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

Binigyang diin pa rin ni Año na ang pagsunod sa international norms ay mahalaga para sa “peaceful coexistence” ng mga kalapit na estado.

“Respecting and following international law is essential for maintaining peace, resolving disputes, and advancing our shared interests in the region,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleKano kulong sa bomb joke sa Laguindingan Airport
Next articlePinas masusing nakasubaybay sa US presidential race — envoy