Nadiskubre sa pagdinig ng joint House Committee on Energy at Committee on North Luzon Growth Quadrangle nitong Lunes ang isang anomalya kung saan ang siste ay sapilitang kinakaltasan ang suweldo kada buwan ng mga empleyado ng electric cooperative sa lalawigan ng Isabela para sa One-EC MCO Network Foundation.
Sinabi ni Ms. Emilia de Guzman, Supervising Labor and Employment Officer sa Department of Labor and Employment, ang ilegal na pagkaltas ay labag sa DOLE Labor Advisory No. 11 Series of 2014 o ang Non-Interference in the Disposal of Wages and Allowable Deductions.
Ayon sa naturang advisory, ang maaari lamang ikaltas ng mga employer sa sweldo ng mga empleyado ay mga deduction na base batas, kasama na ang insurance premium, o mga pagkaltas na may nakasulat na pagpayag ng mga empleyado.
Base sa joint affidavit na inihain ng mga empleyado mula sa ISELCO-1, kinakaltasan ang mga rank and file employees ng 100 pesos, ang mga supervisor ng 150 pesos, department heads ng 500 pesos, at ang Board of Directors ng 200 pesos kada buwan na umano’y hindi makatarungan para sa mga manggagawa ng kooperatiba.
Advertisement