Home OPINION ANOMALYA SA SPECIALTY HOSPITALS

ANOMALYA SA SPECIALTY HOSPITALS

NAPAKAGANDANG pakinggan ang pagkakaroon ng 179 Specialty Hospitals sa buong Pilipinas hanggang 2028.

Makakalatan ang Luzon, Visayas at Mindanao ng mga ospital para sa “cancer care, cardiovascular care, lung care, renal care and kidney transplant, brain and spine care, trauma care and burn care.”

Masasama rin ang “orthopedic care, physical rehabilitation medicine, infectious disease and tropical medicine, toxicology, mental health, geriatric care, neonatal care, dermatology, eye care, at ear, nose at throat care.”

Maaaring may itatayong mga bagong gusali para sa mga ito o kaya’y ihahanapan ng lugar sa mga nakatayo nang ospital ng gobyerno at mga GOCC specialty hospitals.

Sa una, tanging sa Metro Manila, partikular sa Quezon City meron nito.

Sa ngayon, may 131 nang naitayong specialty hospitals sa buong bansa sa katapusan ng 2023 at nagpapatuloy ang paggawa ng mga ito hanggang sa 2028.

Pinopondohan ang mga ito pangunahin ng pamahalaan at pangangasiwaan ng Department of Health, kasama ang mga kaukulang government owned and controlled corporation specialty hospitals.

Napakaganda ngang tingnan at kitang-kita ang magandang layunin ng mga opisyal ng gobyerno na nagsusulong nito.

Siyempre pa, pangunahin na nagsusulong si Pangulong Bongbong Marcos na ang ama nito mismo, si Manong Ferdie, ang nagpasimula noong siya ang Pangulo ng Pilipinas.
Hindi naman matatawaran ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa Senado at Kamara na bumuo ng batas para rito, ang Republic Act No. 11959 o Act Establishing Specialty Centers in Department of Health Hospitals in Every Region and in Government-Owned or -Controlled Corporation Specialty Hospitals.

Sa Senado, naghayag ng kasiyahan si Senator Bong Go nang bumoto lahat ang 24 senador para sa batas na ito na pinirmahan ni Pang. Bongbong noong Agosto 2023.

MALAKING BADYET AT MGA KORAP

Napakalaking badyet ang inilalaan para sa specialty hospitals.

Para lang sa Lung Center of the Philippines, National Kidney and Transplant Institute, Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center and the Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care, pinaglaanan sila ng halos P7 bilyon nitong nakaraang taon.

Para sa 2024, naglaan na ang pamahalaan ng P11.12B at tiyak na lalaki pa ito sa mga susunod na taon para sa lahat ng specialty hospital.

Susuportahan naman ito ng PhilHealth sa pamamagitan ng P100B pondo nito para sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law.

Ganyang kalaki ang badyet para sa specialty hospitals.

Wala kayang mga korap at naglalaway sa mga bilyon-bilyong pondong ito at sasalakay para kumita, ‘di baleng hindi makinabang ang higit na nakararaming Pinoy, lalo na ang mahihirap?

ANOMALYA NINA DOC

Mayroon lang tayong naobserbahan sa hanay ng mga doktor na nagsisilbi sa mga specialty hospital na malalaki bago dumating ang bagong gobyerno.

Walang iba kundi ang sobrang mahal na professional fee ng mga doktor na umaabot sa P100 bawat isa at kung ooperahan ka sa puso, halimbawa, nasa apat doktor ang aasikaso sa iyo at P400,000 ang babayaran mo sa mga doktor lamang.

At kung may badyet na P700,000 ang gastos, 300,000 lang ang para sa ospital.

Paano kung iiral ang sistemang ito sa mga itinayo nang karagdagang specialty hospital at mga itatayo pa?

Previous articleTULONG NAMAN SA TURISMO PAGTAPOS NG GULO
Next articleLotto Draw Result as of | January 24, 2024