Home HOME BANNER STORY Antas ng tubig sa mga dam sa Pinas, alamin!

Antas ng tubig sa mga dam sa Pinas, alamin!

233
0

MANILA, Philippines – Matapos na maiulat ang pagbaba sa 180m operating level ng Angat Dam ay bumaba rin ang lebel ng tubig sa karamihan ng iba pang dam ngayong Sabado, batay sa datos ng PAGASA.

Ang Ipo Dam sa Bulacan ay may reservoir water level (RWL) sa 98.76 metro, mas mababa sa 98.79 metrong RWL na naitala noong Biyernes ng umaga.

Bumaba rin ng 0.61 metro ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam sa Benguet, dahil ang RWL nito ay nasa 745.32 metro ngayong Sabado. Ito ay 745.93 metro noong Biyernes.

Ang San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet ay nagtala rin ng pagbaba sa RWL nito, na nasa 236.85 metro ngayong Sabado ng umaga, mula sa 237.05 metro noong Biyernes.

Ang Pantabangan Dam sa Nueva Ecija ay may RWL sa 179.39 metro ngayong Sabado, mas mababa sa RWL noong Biyernes na 179.60 metro.

Ang Magat Dam, na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Ifugao at Isabela, ay nagkaroon din ng pagbaba sa antas ng tubig nito, na nagrerehistro ng 164.81 metrong RWL ngayong Sabado, mula sa 165.36 metrong RWL noong Biyernes.

Samantala, ang lebel ng tubig sa Caliraya Dam sa Laguna ay nasa 286.71 metro ngayong Sabado, bumaba mula sa 286.90 metro noong Biyernes.

Tanging ang Binga Dam sa Benguet ang nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig nito, mula 568.35 metro noong Biyernes hanggang 568.45 metro ngayong Sabado.

Ang La Mesa Dam sa Quezon City ay walang pagbabago sa lebel ng tubig, na nananatili sa 78.69 metro ngaytong Sabado, na pareho noong Biyernes. RNT

Previous articlePinoy na nasasapul ng COVID bumaba sa 6.4% – OCTA
Next articleGerald, magpapakasal kay Julia, may kundisyon!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here