Home NATIONWIDE Anthrax ‘di mabilis kumalat – DOH

Anthrax ‘di mabilis kumalat – DOH

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang anthrax ay hindi kumakalat mula sa tao patungo sa tao tulad ng sipon o trangkaso.

Ito ay sanhi ng isang bacterium na tinatawag na Bacillus anthracis, na gumagawa ng mga spores. Ang mga hayop ang pinaka-apektado nito.

Ayon pa sa DOH, ang panganib ng pangkalahatang publiko na mahawaan ng Anthrax ay napakababa. Ang mga beterinaryo, magsasaka, tauhan ng hayop, at iba pang manggagawa na humahawak ng mga hayop at kanilang mga produkto ay maaaring may mas mataas na panganib.

“Because the risk is specific to certain populations and occupations, available vaccines for Anthrax are not used for the general population. The public can avoid getting Anthrax by avoiding raw or undercooked meat or meat products. Avoid contact with livestock or animal remains.”

Mahigpit na sinusubaybayan ng Department of Health (DOH) ang mga pag-unlad sa ibang mga bansa na nag-ulat ng mas mataas kaysa sa karaniwang bilang ng mga kaso ng Anthrax.

Makikipag-ugnayan din ang DOH sa Department of Agriculture para sa mga preventive measures sa mga hayop kabilang ang mga alagang hayop.

Sa Pilipinas, 82 na pinaghihinalaang kaso ng anthrax lamang ang naitala sa loob ng pitong taon, mula Enero 1, 2017 hanggang Disyembre 31, 2023.

Walang naiulat na mga anthrax health events noong 2019 hanggang 2021; wala ring nangyari mula Enero 1 hanggang Marso 29, 2024. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP7M shabu nasamsam, ginang arestado
Next articleP7.4M shabu nasabat sa obrero sa Cebu