Home NATIONWIDE Anti-agri smuggling law, palpak! – Villar

Anti-agri smuggling law, palpak! – Villar

338
0

MANILA, Philippines – Tinawag ni Senador Cynthia Villar nitong Huwebes, Mayo 18, ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 na palpak dahil tila wala naman umanong naparurusahan ang batas mula nang ipatupad ito pitong taon na ang nakalilipas.

Dahil dito, isinusulong ni Villar na amyendahan ang ilan sa butas nito.

Kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed amendments sa anti-agricultural smuggling law, sinabi ni acting director for legal service ng Bureau of Customs (BOC) William Belayo na wala pang nakukulong mula nang maisabatas ito.

“Seven years, walang miski isa man lang? Ang lakas talaga nila sa inyo, ‘di ba? Wala miski isang example? How can a law na walang example, di ba? ‘Di failure yung law, di ba?” tanong ni Villar na isa sa mga may-akda ng batas sa Senado.

Tugon naman ni Belayo, mataas ang mga requirement na kailangan para makapaghain ng non-bailable cases sa ilalim ng kategoryang economic sabotage.

“The intent is for them to go to jail pending hearing. Yun lang ang intention namin kasi kung mayaman ka and you go to jail, that is enough punishment kahit na hindi permanent, so you have to teach us how to document, embody it in the law, para magkaroon tayo ng economic sabotage,” sagot ni Villar dito.

“That’s why we’re amending, because it’s a failure,” idinagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleMga manggagawa sa informal sector plano ring bigyan ng maternity benefits
Next articleDOH, kinalampag sa ‘mental health pandemic’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here